Thursday, August 21, 2014

"WIKA NG PAGKAKAISA"


Wikang Filipino

Kaming mag-aaral, Pilipino kung tawagin,
Kami’y ipinanganak na may layunin,
Ipagtanggol, tangkilikin, at gamitin,
Sariling wika’y minamahal namin.

Pilipinas, perlas ng Silanganan,
Inalipin at sinakop ng mga dayuhan,
Pero, Pilipino’y nagkaisa’t lumaban,
Makamtan lang ang lubos na kalayaan.

Iba-iba man ang dayalekto,
Naiiba pa rin ang BAYAN ko,
Pilipino nga ang lahi ko,
Taas noo kahit kanino.

Sa amin, BAYANIHAN ay napakahalaga,
Tungo sa magandang kinabukasan,
Pilipino’y nagkakaisa, saan man magpunta,
Wikang Filipino ang siyang sandata.

KATIWALIAN, bulong ng katabi ko,
PAGKAKAISA, sigaw ng nasa harapan ko,
Sama-sama lahat ng mga Pilipino,
Dala-dala ang wika, saan man tumungo.


No comments:

Post a Comment